Hindi ako Makabayan Alam ko ang historya ng bansang Pilipinas, ginagalang ko ang watawat at kinakanta ang Lupang Hinirang, pilit kong isinasabuhay ang Panatang Makabayan, at sinusubukan kong mahalin ng buo ang kultura at tradisyong Pilipino. Masasabi ko na isa akong makabayan, pero hindi talaga dahil hindi ito sapat para masabi ko na isa akong makabayang Pilipino. Sa musika, sining, at literatura ay mas madami akong alam na modern songs kesa OPM, alam ko ang talambuhay nina Hans Zimmer at Leonardo da Vinci at wala man lang akong alam sa kwento nina Julian Felipe at Fernando Amorsolo, wala akong alam ni isang tula nina Francisco Baltazar, Fernando Ma. Guerrero at Leona Florentino, at nabasa ko na lahat ng libro ni J.K. Rowling at walang sawa ko pa ito inuulit basahin samantalang ang mga sinulat ni Dr. Jose Rizal ay hindi ko man lang kusang basahin at tuwing tinatalakay sa paaralan ay inaantok ako. Tinatangkilik ko ang Vans at Converse at wala man lang akong interes sa mga sapatos n...
A collection of free thoughts from young writers, unrestricted facts, historical sites, inquiries of the past and the present, researched details from contributors, and many more.
Comments
Post a Comment