Skip to main content

Pagiging Makabayan

Hindi ako Makabayan
Alam ko ang historya ng bansang Pilipinas, ginagalang ko ang watawat at kinakanta ang Lupang Hinirang, pilit kong isinasabuhay ang Panatang Makabayan, at sinusubukan kong mahalin ng buo ang kultura at tradisyong Pilipino. Masasabi ko na isa akong makabayan, pero hindi talaga dahil hindi ito sapat para masabi ko na isa akong makabayang Pilipino.
Sa musika, sining, at literatura ay mas madami akong alam na modern songs kesa OPM, alam ko ang talambuhay nina Hans Zimmer at Leonardo da Vinci at wala man lang akong alam sa kwento nina Julian Felipe at Fernando Amorsolo, wala akong alam ni isang tula nina Francisco Baltazar, Fernando Ma. Guerrero at Leona Florentino, at nabasa ko na lahat ng libro ni J.K. Rowling at walang sawa ko pa ito inuulit basahin samantalang ang mga sinulat ni Dr. Jose Rizal ay hindi ko man lang kusang basahin at tuwing tinatalakay sa paaralan ay inaantok ako. Tinatangkilik ko ang Vans at Converse at wala man lang akong interes sa mga sapatos ng Marikina. Pinapangarap kong pumunta sa Amsterdam at hindi ko man lang pinangarap na makapunta sa bawat isla ng Pilipinas. Mas kilala ko ang mga Marvel at DC superheroes kesa sa mga karakter ni Mars Ravelo. Higit sa lahat ay ang ugali ko, mga gawain ko, ang hindi pagsunod sa magulang, ang hindi pag respeto sa iba’t-ibang relihiyon at ethnic groups sa bansa… at hindi na kailangan ng paliwanag.
Hindi naman masama na makinig ng foreign music at magbasa ng mga libro na isinulat ng mga banyaga, pero sana wag nating kalimutan ang mga nagmula sa ating kapwang Pilipino. Walang karapatan ang sinuman na husgahan ang mga hindi nagmamahal sa bayan kundi ang sarili nila. Sana balang araw ay matutunan kong mahalin ang sariling atin.

Albert, 15

Comments

Post a Comment

Popular posts from this blog

Josephine Bracken

IN JOSE RIZAL’S OWN WORDS, she was his dear wife. A few hours before his execution, they embraced for the last time and he gave her a souvenir—a religious book with his dedication, “To my dear unhappy wife, Josepine .”

Memorare-Manila

MEMORIAL BY PETER DE GUZMAN THE CENTRAL FIGURE IS A WOMAN, QUITE LARGE, DOMINANT IN SIZE AND PROPORTION, SHE IS THE MOTHERLAND – SHE WEEPS AS SHE HOLDS AN INFANT, THE SYMBOL OF HOPE, BUT THE INFANT IS DEAD – IT REPRESENTS LOST HOPE. THE FEMALE FIGURE ON THE RIGHT SIDE IS A VICTIM OF RAPE, THERE IS AN INFANT CLINGING TO HER. ON THE LEFT SIDE IS A MAN STILL ALIVE LOOKING CONFUSED AND DISORIENTED - DESPAIR ON HIS FACE. THE YOUNG BOYS ARE DEAD – REPRESENTING THE YOUTH THAT THE COUNTRY LOST. THE DEAD MAN LYING IN FRONT PORTRAYS THE ELDERLY WHO WERE CAUGHT IN THE BATTLE. MEMORARE – MANILA 1945 THIS MEMORIAL IS DEDICATED TO ALL THOSE INNOCENT VICTIMS OF WAR, MANY OF WHOM WENT NAMELESS AND UNKNOWN TO A COMMON GRAVE, OR EVEN NEVER KNEW A GRAVE AT ALL, THEIR BODIES HAVING BEEN CONSUMED BY FIRE OR CRUSHED TO DUST BENEATH THE RUBBLE OF RUINS. LET THIS MONUMENT BE THE GRAVESTONE FOR EACH AND EVERY ONE OF THE OVER 100,000 MEN, WOMEN, CHILDREN AND INFANTS KILLED IN MANILA DURING I...